Safety has been our number one priority since the pandemic hit the Philippines. Health and safety protocols were implemented to prevent the spread of the virus. Ipinagbawal ang direktang pakikihalubilo sa ibang tao. Kinailangang manatili sa loob ng bahay kung wala namang importanteng gawain sa labas, at dahil dito, karamihan ng negosyo sa bansa ay napilitang magsara at pansamantalang itigil ang kanilang operasyon. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at nahirapang maitaguyod ang bawat araw dahil sa pandemyang ito.
Kasabay ng pagharap sa mga pagsubok na ito, ang mga Smart Padala remittance centers ay patuloy na naghatid ng serbisyo para sa kanilang komunidad at tulong para mga kapwa Pilipino na kailangan magpadala ng pera sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinigurado ng bawat Smart Padala agent na sila ay sumusunod sa health and safety protocols na ipinatupad ng gobyerno.
May mga naglagay ng paalala sa kanilang mga tindahan na nagsasabing “Maintain social distancing” at ang iba pa nga ay mayroong “No face mask, No face shield, No entry” policy. Naglagay din sila ng alcohol sa labas ng kanilang tindahan para malinis ang kamay ng kanilang customers bago makapag-transact.
Nakaisip din ng paraan ang ilang Smart Padala agents para masigurong ligtas at maayos ang kanilang tindahan para sa kanilang customers.
Isang halimbawa nito ay si Laife Palafox, na mas pinaluwag ang espasyo sa harap ng kaniyang tindahan para may sapat na distansya ang mga customers at hindi siksikan.
Ang iba naman ay naglagay ng barriers sa harap ng kanilang mga tindahan kagaya ni Laida Sabalza, na naglagay ng glass na barrier at lahat sila ay nakasuot ng face mask and shields sa loob ng tindahan.
Si Smart Padala agent Baby Castro Maranan naman ay namigay ng sanitizers sa kanyang customers at naglagay rin ng plastic barrier sa harap ng kanyang store.
Alam ni Ines Lalon Pepito na ang kahalagahan ng may makakain ngayong may pandemya kaya naman ay nag-abot siya ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pambili ng bigas at sardinas ang ilan sa kaniyang customers sa abot ng kaniyang makakaya.
After months of quarantine and lockdowns, many businesses are slowly recovering and opening their doors to the public. “Life goes on” ika nga, at ang mga negosyo kagaya ng Smart Padala centers ay isa sa mga kailangan natin para makapagbigay ng tulong sa ating mga mahal sa buhay. Marami ang Smart Padala remittance centers at agents sa buong Pilipinas, at nakatutulong ito sa atin para makapagpadala ng pera, makapagbayad ng bills sa tamang oras, at pwede ring makapagbayad ng groceries at iba pang essential items natin sa bahay sa ligtas na pamamaraan.
Sa ganitong sakuna, mahalaga na lahat tayo ay nagtutulungan. Magkaisa tayong lahat para malagpasan natin ang mga pagsubok na dala ng pandemyang at patuloy na makabangon sa ating bagong normal na pamumuhay. Pwede kang makatulong sa pagsali sa mga aktibidad katulad ng pag-donate ng iyong sobrang pera sa mga fundraising efforts, suportahan ang mga negosyo sa iyong komunidad sa pagbili ng kanilang mga itinitinda, magbasa at alamin ang mga balitang may kaugnayan sa ating sitwasyon, at ipagpatuloy lang ang pagiging responsableng mamamayan at negosyante at sumunod sa mga safety protocols. Patuloy tayong mag-ingat at magtulungan iangat ang isa’t isa.
Maya is powered by the country's only end-to-end digital payments company Maya Philippines, Inc. and Maya Bank, Inc. for digital banking services. Maya Philippines, Inc. and Maya Bank, Inc. are regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas.
www.bsp.gov.ph
© Copyright Maya 2022 All rights reserved.
Privacy Policy